top of page

Mahigit 1,000 sako ng tig-25 kilos ng bigas at food packs, ipinamahagi ng Project TABANG sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon at ilang lugar sa Mindanao

  • Diane Hora
  • Jan 20
  • 2 min read

iMINDSPH



Isang daan at labimpitong sako ng tig-25 kilos ng bigas at food packs ang ipinamahagi ng Ayuda Alay sa Bangsamoro o ALAB Program ng Project TABANG sa mga residente ng Sitio Nabilan, Barangay Dinaig Proper, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte araw ng Linggo, January 19, 2025.



Sa Tawi-Tawi-


Isang daang mangingisda at seaweed farmers sa Barangay Tabunan, Tabunan Island, Panglima Sugala Municipality ang tumanggap din ng kaparehong tulong araw ng Sabado, January 18, 2025.



Ito ay sa pakikipagtulungan ng Bangsamoro Ports Management Authority sa pamamagitan ng Port Management Office ng Bongao.



Ang Tabunan Island ay isang isolated community sa Panglima Sugala na nakaharap sa Celebes Sea kung saan nakatira ang karahiman sa mga tribung Sama.




Sa Sarangani Province-


Tinungo rin ng Project TABANG, a-17 ng Enero, ang mga residenteng binaha dahil sa malakas na buhos ulan. Hatid ng grupo ang bigas at food packs para sa mga biktima ng baha.



Mandato ng BARMM Government na tulungan ang mga bangsamoro na naninirahan sa labas ng rehiyon sa ilalim ng Section 12, Article VI ng Republic Act No. 11054 o ang Bangsamoro Organic Law.



Sa bayan naman ng Guindulungan-


Isang libong sako ng tig-25 kilos ng bigas ang hatid din ng Project TABANG, araw ng Biyernes, January 17.



Tinanggap din ng anim na markads sa bayan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte ang pitumpo’t tatlong sako ng 25 kilos ng bigas at food packs, araw ng Sabado, January 18.



Ito ay sa ilalim ng Humanitarian for Orphanages, Markadz, Elderlies, and with Special Needs o HOMES Program ng Project TABANG.



Ito ay kinabibilangan ng


1. Markadz Aquida

2. Markadz Al-Hilaliya/Litahfedzel Qur’an Nil Kareem

3. Markadz Nurol Huda Al-Arabie

4. Markadz Datu Kong Al-Islamie

5. Markadz Atturabie Sinsuat

6. At Markadz Datu Malikol Idok



 
 
 

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page