Mahigit 1,400 armas, mga bala at pampasabog na nakumpiska at isinuko sa 6th ID, ipresinta sa pagbisita ni Philippine Army Commanding General Antonio Nafarrete sa pagdiriwang ng ika-38 taon anibersaryo
- Diane Hora
- 16 minutes ago
- 1 min read
iMINDSPH

Iprenisinta ng 6th Infantry Kampilan Division ang iba’t ibang uri ng armas at mga pampasabog kay Philippine Army Commanding General Antonio Nafarrete sa pagbisita nito sa kampo ngayong araw, bilang panauhin sa pagdiriwang ng 6th ID ng ika-tatlumpu’t walong anibersaryo.
Mula October 2024 hanggang kasalukuyan, ang mga nakumpiskang armas at mga pampasabog ay sumasalamin ayon sa 6th ID sa kanilang patuloy na kampanya kontra local at communist terrorist groups na nagresulta sa pagkakasakamay, pagkakakumpiska, pagsuko at pagkakarekober ng mga ito.
Kabilang dito ang 32 high-powered firearms, isang crew-served weapon, isang unexploded ordnance (UXO), isang explosive, 110 magazines, 384 rounds ng mga bala, apat na radio mula sa local terrorist groups.
Sa ilalim naman ng Small Arms and Light Weapons Management Program o SALW-MP, isinuko ang 31 crew-served weapons, 237 high-powered firearms, 169 low-powered firearms, 35 magazines, 108 rounds ng ammunition, at 38 UXOs.



Comments