iMINDSPH
Nasunog ang mahigit sampung bahay sa Barangay Rosary Heigths 4, Cotabato City kaninang umaga. Mahigit kumulang limang daang libong piso ang inisyal na taya ng Bureau of Fire Protection na halaga ng mga ari-arian na tinupok.
Ito na ang pang anim na sunog sa lungsod ngayong buwan ng Setyembre.
Nagliyab ang apoy sabay ng makapal na usok sa bahaging ito ng Barangay Rosary Heights 4 pasado ala 7 kaninang umaga.
Mahigit Sampung kabahayan ang tinupok ng apoy sa Barangay RH-4 Cotabato City pasado alas siete ng Umaga, ayon sa tagapagsalita ng BFP Cotabato City F02 Anthony Hinilo ongoing pa ang kanilang investigation sa naturang sunog.
Agad ding dumating ang mga bombero sa lugar at inapula ang apoy.
Agad nagpaabot ng tulong ang mga opisyal ng barangay sa mga biktima ng sunog.
Ito na ang pang anim na sunog ngayong buwan lamang ng Setyembre.
Comentarios