top of page

Mahigit 10 million pesos halaga ng smuggled cigarettes, nakumpiska ng mga tauhan ng PNP PRO 11 sa anti-smuggling operation sa Davao City

  • Teddy Borja
  • Oct 24
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mahigit 10 million pesos na halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes ang nakumpiska ng PNP PRO 11 sa isinagawang anti-smuggling operation sa Davao City.


Ikinasa ng PNP PRO 11 ang operasyon, alas 11:30 ng gabi, araw ng Martes sa Barangay Dumoy, Davao City.


Arestado ang apat na suspek at nakumpiska ang 403 master cases ng pinaghihinalaang smuggled na sigarilyo, na tinatayang nagkakahalaga ng Php10,075,000.00, kasama ang isang truck, SUV, at iba't ibang cellphones.


Sa kabuuan na pagtaya ng awtoridad umaabot sa Php14,675,000.00 ang nakumpiska mula sa mga suspek.


Nasa kustodiya na ng CIDG Davao CFU ang mga nakumpiskang kagamitan at mga suspek.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page