top of page

Mahigit ₱10-milyong halaga ng smuggled cigarettes, nasabat sa Lebak, Sultan Kudarat

  • Feb 20
  • 1 min read

iMINDSPH



Sampung milyong halaga ng mga pinaniniwalaang puslit na sigarilyo ang nasabat ng mga tauhan ng Lebak Municipal Police Station habang nagsasagawa ng routine mobile patrol.


Isinagawa ang operasyon habang nagsasagawa ng routine mobile patrol at monitoring ang mga awtoridad kaugnay ng isang insidente ng pamamaril sa Barangay Aurelio Freires, ngayong araw, February 19.


Ayon sa ulat, napansin ng mga pulis ang dalawang kahina-hinalang indibidwal na mabilis na tumakas mula sa pinangyarihan, dahilan upang magsagawa ng masusing inspeksyon sa paligid.


Sa isinagawang beripikasyon, natuklasan ang ilang kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes. Agad itong inimbentaryo sa pakikipag-ugnayan sa mga special agents ng Bureau of Customs at isang opisyal ng barangay.


Kabilang sa mga nakumpiskang produkto na may tinatayang halaga na ₱10,268,160.00 batay sa valuation ng Bureau of Customs. Dinala ang mga nakumpiskang kontrabando sa Lebak MPS para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.


Kinilala ang pangunahing suspek sa alyas na “Hamdan,” 48 anyos, may asawa at residente ng lugar, na kasalukuyang tinutugis ng mga awtoridad.


Sinabi ni PNP PRO 12 Regional Director Arnold Pardiente, na ang operasyong ito ay patunay ng aming dedikasyon na pigilan ang pagpasok at paggalaw ng mga kontrabando sa ating mga komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page