top of page

Mahigit 100,000 indibidwal, natulungan ng Project TABANG mula July hanggang September 2025

  • Diane Hora
  • Oct 23
  • 2 min read

iMINDSPH


ree

Simula nang maitatag ang Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o Project TABANG noong 2019, naging sandigan na ito sa pagbibigay ng mahahalagang serbisyo katuwang ang mga lokal na pamahalaan, partner agencies at mga stakeholder sa komunidad upang tugunan ang agarang pangangailangan ng mga pamilyang apektado ng labanan, kalamidad at kahirapan sa loob at labas ng rehiyon ng Bangsamoro.


Sa datos ng Project TABANG, mula July hanggang September 2025, 80,040 katao ang natulungan sa ilalim ng Humanitarian Response and Services, habang 150 kooperatiba na binubuo ng 4,789 miyembro ang nabigyan ng kabuhayan at suporta.


Sa parehong panahon, 44,464 benepisyaryo naman ang nakatanggap ng libreng gamot at serbisyong medikal sa ilalim ng Health Ancillary Services.


Ang mga tagumpay na ito ay naisakatuparan sa tulong ng iba’t ibang sub-program gaya ng:


* Ayuda Alay sa Bangsamoro (ALAB)

* Humanitarian for Orphanages, Markadz, Elderlies, and Persons with Special Needs (HOMES)

* Food Assistance for Special Traditions (FAST)

* Special Assistance for Special Occasions (SAFSO)

* Oplan Bangsamoro Rapid Assistance (OBRA)*

* Serbisyong Ayudang Medikal (SAM)

* Rapid Reaction Team (RRT)


Naiparating ng mga programang ito ang tulong sa iba’t ibang bahagi ng Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi, Cotabato City, Marawi City, Lamitan City, Special Geographic Areas at maging sa mga komunidad ng Bangsamoro sa labas ng core territory.


Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng hygiene kits, bigas, karne, pagkain, libreng gamot at healthcare kits para sa mga Rural Health Units, health centers, at iba pang sektor, gayundin ng farm inputs, makinarya, at produktong pang-agrikultura.


Ang Project TABANG na unang inilunsad sa pamumuno ni dating Chief Minister Ahod “Al Haj Murad” Ebrahim at ngayo’y ipinagpapatuloy ni Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua sa buong suporta ng Pamahalaang Bangsamoro ay nananatiling kongkretong patunay ng “Moral Governance.”

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page