Mahigit 100 ustadz at mahigit 1,000 mag-aaral mula sa 25 madrasa sa Sultan Kudarat, lumahok sa Islamic Academic and Sports Competition o Musabaqah Ilmiyah Wa Riyadhiyah ng LGU
- Diane Hora
- Oct 13
- 1 min read
iMINDSPH

Matagumpay na naisagawa ng pamahalaang bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte ang taunang Islamic Academic and Sports Competition o Musabaqah Ilmiyah Wa Riyadhiyah.
Nagpamalas ng galing ang 1,790 students mula sa 25 madrasa sa bayan sa intellectual skills at athletic talent kasama ang 156 na mga ustadz.
Isinagawa ang Musabaqah sa Barangay Panaten, araw ng Sabado, October 11, 2025.
Personal ding sinaksihan ni Maguindanao del Norte Governor Datu Tucao Mastura ang aktibidad kasama si Provincial Administrator Datu Sharifudin Tucao Mastura.
Binigyang diin ni Governor Mastura ang kahalagahan ng strong connection kay Allah at pananampalatay.
Ang hakbang na ito ay bahagi ng pagtuloy na pangangalaga ng pamahalaang panlalawigan sa isang matatag na Islamic educational community habang isinusulong ang kagalingan sa pamamagitan ng sports.



Comments