iMINDSPH
Inilikas ang mahigit isang daan at dalawmpung pamilya sa bayan ng Ampatuan, Maguinadnao del Sur matapos binaha ang kanilang mga tirahan dulot ng matinding buhos ng ulan sa lugar.
Dali-daling inilikas ang mga residente ng Barangay Saniag, Malatimon at Kauran sa bayan ng Ampatuan, Maguindanao del Sur kagabi.
Ito ay kasunod ng matinding buhos ng ulan na naranasan sa lugar na nagresulta sa mabilis na pagtaas ng tubig sa ilang barangay sa munisipyo.
Umabot hanggang bewang ang baha na naransan ng mga residente sa lugar.
Rumisponde agad ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng MagSur kasama ang mga rescuers.
Isinakay ng PDRRMO sa mga dump truck ng pamahalaang panlalawigan ang mga apektadong residente.
Mahigpit na tinututukan ni Governor Bai Mariam Sangki-Mangudadatu sa sitwasyon at agad ipinag-utos ang pamamahagi ng tulong tulad ng bigas, at kape para sa Emergency kitchen at hot meals sa evacuation Center kung saan dinala ang mga residenteng apektado ng baha.
留言