top of page

Mahigit 130 volunteer community leaders, tumanggap ng bigas mula sa tanggapan ni MP Atty. Naguib Sinarimbo

  • Diane Hora
  • Oct 20
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mahigit isang daan at tatlumpung volunteer community leaders ang tumanggap ng bigas mula sa tanggapan ni Member of Parliament Atty. Naguib Sinarimbo.

Patuloy na nakikipag-tulungan ang opisina ni Bangsamoro Transition Authority Parliament Member of Parliament Atty. Naguib Sinarimbo sa mga volunteer community leaders para sa pagpapaabot ng impormasyon sa mga residente ng lungsod patungkol sa mga programa ng tanggapan.

Higit sa 130 leaders ang tumanggap ng tulong na bigas para sa kanilang serbisyo sa mga programa ng opisina.

Layunin nito na tulungan sa kabuhayan ang mga volunteer community leaders sa lungsod na nagbibigay serbisyo upang ipaabot sa mga residente ang mga program na handog ng opisina.

Ang mga community leaders na ito ay nagsisilbi rin bilang advocates at tumutulong sa pagpapanatili ng kaayusan sa kanilang mga komunidad.

Nagpapasalamat naman si MP Sinarimbo kay BARMM Chief Minister Abdulraof "Sammy Gambar" Macacua sa patuloy na suporta.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page