top of page

Mahigit ₱148K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa operasyon; Top Priority Illegal Drug Personality, arestado

  • Jan 27
  • 1 min read

iMINDSPH



Isang Top Priority Illegal Drug Personality ang naaresto ng pulisya sa buy-bust operation, matapos makumpiskahan ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit isang daang libong piso.


Isinagawa ang buy-bust operation madaling araw ng January 23, 2026. Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto sa isang High Value Individual na itinuturing ding Top Priority Illegal Drug Personality.


Nasamsam mula sa suspek ang humigit-kumulang 21.88 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang standard drug price na ₱148,784.00.


Ang naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Buhangin Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.


Inihahanda na rin ang mga kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 para sa paghahain sa korte.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page