Mahigit 150 bilanggo ng Maguindanao Provincial Jail, nakalaya na matapos ang masusing review sa kanilang mga kaso; 11 preso, inaasahang makakalaya rin bukas
- Diane Hora
- Aug 26
- 2 min read
iMINDSPH

Labing isang bilanggo sa Maguindanao Provincial Jail ang makakalaya na bukas. Sila ang bagong batch ng mga inmates na makakalabas na ng kulungan matapos ang isinagawang masusing review ng kanilang mga kaso. Nauna nang nakalaya ang isang daan at limampung preso kung saan ilan sa mga ito ay umaabot na ng halos dawampung taon.
Bahagi ang hakbang ng isinagawang Correctional Services Support Program, Training Services, Medical and Dental Mission na pinangunahan ni Governor Datu Tucao Mastura.
Ito rin umano ang unang pagkakataon na nadalaw ang bilangguan at mga bilanggo ng isang gobernador.
Sa ilalim ng Correctional Services Support Program ng provincial government sa pamumuno ni Governor Datu Tucao Mastura, natututukan ang kaso ng mga bilanggo sa tulong ng provincial legal officer ng Maguindanao del Norte at ng Public Attorney’s Office.
Sa kasalukuyang, mayroong dalawang daan at tatlumpung inmates ang Maguindanao Provincial Jail.
179 dito ang mula sa Maguindanao del Norte at 52 ang mula sa Maguindanao del Sur.
Hindi kasali sa bilang na ito ang isang daan at limampung preso na napalaya sa bilangguan simula August 2024 sa ilalim ng pamumuno ni Maguindanao Provincial Jail Warden Kautin Sebpao.
Bukas, makakalaya na rin ang labing isa pang bilanggo mula sa kulungan.
Kasama rin sa programa ang pagkakaroon ng skills training sa mga bilanggo na pangangasiwaan ng Gender and Development Office ng probinsya.
Ayon kay Bai Shajida Biruar Mastura, ang Chief of Staff ni Governor Datu Tucao Mastura, tuturuan ang mga inmates sa paggawa ng bag at iba pang mga produkto.
Lubos ang pasasalamat ng mga bilanggo sa serbisyo na hatid ng pamahalaang panlalawigan ngayong araw, lalo na ang hakbang sa pagpapabilis sa paglilitis ng kanilang kaso.
Ang iba ay idinaan sa sayaw at kanta ang kanilang pasasalamat.
Ayon sa pamunuan ng bilangguan, ito ang unang pagkakataon na bumisita ang isang gobernador sa pasilidad.



Comments