Mahigit ₱157K halaga ng smuggled na sigarilyo, nasamsam; Mga suspek, timbog
- Teddy Borja
- Feb 3
- 1 min read
iMINDSPH

Arestado ang mga suspek matapos tumangkang tumakas sa police checkpoint at makumpiskahan ng hinihinalang smuggled na sigarilyo.
Iniwasan umano ng isang puting kotse ang isang police checkpoint na isinagawa ng Glan Municipal Police Station, katuwang ang 1st Sarangani Provincial Mobile Force Company, SPPO-PIU, RIU, at Sarangani MARPSTA.
Na-intercept ang nasabing sasakyan sa Purok Masagana, Barangay Batulaki. Nadiskubre sa loob ng trunk ng sasakyan ang 200 reams ng hinihinalang smuggled na sigarilyo na may tatak na Cannon Menthol.
Ang mga nasamsam na sigarilyo ay may tinatayang kabuuang halaga na ₱157,160.00.
Ang mga nakumpiskang kontrabando ay dinala sa Glan Municipal Police Station at kalauna’y itinurn-over sa Bureau of Customs–General Santos City para sa wastong disposisyon.
Kasalukuyang inihahanda ang mga kasong paglabag sa Republic Act No. 10863 o Customs Modernization and Tariff Act, Republic Act No. 10643 o Graphic Health Warnings Law, at Article 151 ng Revised Penal Code laban sa mga suspek para sa inquest proceedings.



Comments