Mahigit 17 million pesos na halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga tauhan ng PNP PRO 11 sa mga ikinasang operasyon sa buong buwan ng Agosto
- Teddy Borja
- Sep 9
- 1 min read
iMINDSPH

Umabot sa 17.2 million pesos na halaga ng illegal drugs ang nakumpiska ng mga tauhan ng PNP PRO 11 sa mga ikinasang operasyon sa buong buwan ng Agosto kung saan siyamnapu’t isang High-Value Individuals at 275 Street-Level Individuals ang arestado sa 328 anti-illegal drug operations sa buong rehiyon.
Pinuri naman ni PNP PRO 11 Regional Director Police Brigadier General Joseph Arguelles ang matagumpay na operasyon.
Nagbabala din ito sa mga sangkot sa illegal drug trade na magpapatuloy umano ang pinalakas na operasyon hanggang sa mahuli ang lahat ng high value drug personalities at iba pang lawbreakers.



Comments