Mahigit ₱180K halaga ng smuggled na sigarilyo, nasabat sa Lebak, Sultan Kudarat; Driver, arestado ng awtoridad
- Teddy Borja
- Oct 13
- 1 min read
iMINDSPH

Nasabat ng awtoridad ang 180 thousand pesos na halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang checkpoint operation. Isang lalaki rin ang arestado sa operasyon.
Nasabat ng awtoridad ang mga puslit na sigarilyo sa isang sasakyan araw ng Biyernes, October 10 sa isang checkpoint operation sa national highway sa Sitio Pangawan, Barangay Christiannuevo.
Lulan ang mga ito ng mini van na minamaneho ng isang alyas “Dansoy”, 23-taong gulang na residente ng Barangay Dapdap, Cotabato City.
Sa isinagawang routine visual inspection, nadiskubre ng mga awtoridad ang ilang kahon ng smuggled na sigarilyo.
Hindi nakapagpakita ng kaukulang dokumento si alias Dansoy hinggil sa legal na pagdadala at distribusyon ng naturang produkto kaya agad itong inaresto.
Dinala ang suspek, kasama ang mga nakumpiskang kontrabando at sasakyan, sa Lebak Municipal Police Station para sa wastong dokumentasyon at disposisyon.



Comments