Mahigit 2.3 million pesos na halaga ng marijuana plants ang binunot at sinunog ng mga tauhan ng PDEA 12 sa tri-boundary ng Kiblawan, Davao del Sur; Malungon, Sarangani Province; at Tupi, South Cotabat
- Teddy Borja
- Oct 21
- 1 min read
iMINDSPH

Mahigit 2.3 million pesos na halaga ng marijuana plants ang binunot at sinunog ng mga tauhan ng PDEA 12 sa isinagawang operasyon sa tri-boundary ng Kiblawan, Davao del Sur; Malungon, Sarangani Province; at Tupi, South Cotabato.
Isinagawa ang joint anti-illegal drug operation, alas 10:00 ng umaga, araw ng Linggo, October 19 sa Barangay Miasong, Tupi partikular sa tri-boundary ng Kiblawan, Davao del Sur; Malungon, Sarangani Province; at Tupi, South Cotabato.
Tinatayang nasa 11,502 fully grown marijuana plants ang nadiskubre kung saan sinunog ng awtoridad ang 11,500 dito habang ang dalawa ang preniserba ng operating team para sa laboratory examination.
Nakatakas naman sa operasyon ang sinasabing cultivator na si alyas “Jan”.
Kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isasampa ng awtoridad laban sa suspek sa Office of the Provincial Prosecutor, Koronadal City.



Comments