top of page

MAHIGIT ₱2.8M NA SMUGGLED CIGARETTES Nasabat ng awtoridad sa anti-smuggling operation sa Lebak, Sultan Kudarat

  • Apr 20
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa Lebak, Sultan Kudarat—

Mahigit ₱2.8 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng mga awtoridad sa operasyon sa Barangay Kinudalan. Isinagawa ang operasyon ng Lebak Municipal Police Station, araw ng Miyerkules, April 15, katuwang ang 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng SILG Safer City Project.


Habang nagsasagawa ng police visibility operation, napansin ng mga operatiba ang ilang kahon ng hinihinalang smuggled cigarettes na nakalagay sa labas ng isang warehouse.


Ayon sa ulat, iniwan ang mga kahon ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na agad tumakas bago dumating ang mga awtoridad.


Natukoy na ang warehouse ay pagmamay-ari ng isang alyas “Aning”, nasa tamang edad, may asawa, at residente ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte, ngunit wala ito sa lugar nang isagawa ang operasyon.


Nakumpiska sa lugar ang 66 cases ng sigarilyo na may kabuuang halagang ₱2,823,744.00 base sa Bureau of Customs valuation.


Dinala ang mga nakumpiskang ebidensya sa Lebak Municipal Police Station para sa dokumentasyon at disposisyon sa koordinasyon ng mga kaukulang ahensya.


Patuloy ang imbestigasyon upang matukoy at maaresto ang mga responsable sa ilegal na aktibidad at posibleng paglabag sa customs at tax laws.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page