top of page

Mahigit 20 Set-A-Kart mobile vending carts, ipinamahagi ng MOLE sa Sulu

  • Diane Hora
  • Oct 27
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pormal na itinurn over ng MOLE BARMM sa pamamagitan ng Sulu Field Office nito ang 20 Set-A-Kart mobile vending carts sa lalawigan


Nakiisa ang tanggapan sa first 100 days of leadership ni Mayor Edsir Tan kung saan isa sa bahagi ng leadership report nito ay ang matagumpay an Job Fair noong August 27-28, na nagbigay ng employment opportunities sa mga residente sa bayan.


Pitong Set-A-Kart mobile vending carts rin ang ibinigay ng MOLE sa Local Government Unit ng Jolo.


Tatlong carts din ang ipinamahagi sa Sulu State College (SSC) para sa student beneficiaries na tinukoy na poorest at in need of support na sumailalim sa masusing screening at interview process upang masiguro ang kanilang eligibility at commitment. Ang SSC ay nagbibigay rin sa mga beneficiary ng P5,000.00 bilang start-up capital.


Limang carts naman ang itinurn over sa mga beneficiaries na may ugnayan sa Moro National Liberation Front na tinukoy na higit na nangangailangan ng suporta at may kakayahan na mangalaga ng negosyo.


Limang five carts ang handog din ng MOLE BARMM sa Balik Loob beneficiaries o mga dating members ng extremist group sa Camp Bud Datu, Tagbak, Indanan, Sulu.


Ang programa ay ipinatutupad ng Bangsamoro Integrated Livelihood Program o BILP ng MOLE BARMM.


Ang bawat cart ay mayroong accessories para sa small-scale business ventures, na kinabibilangan ng bike, solar light with panel, stove, weighing scale at iba pang kitchen tools.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page