top of page

Mahigit ₱200,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa Tagum City, Davao del Norte sa ikinasang buy-bust operation kung saan isang High-Value Individual ang naaresto

  • Dec 17, 2025
  • 1 min read

iMINDSPH



Isang high-value individual ang naaresto ng mga awtoridad matapos makumpiska ang mahigit ₱200,000 halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation.


Ang suspek ay isang 22-anyos na lalaki na kinilala sa alyas na “Walad.”


Inaresto ito sa Purok 3, Ratan, Barangay Apokon, Tagum City, bandang alas-3:53 ng madaling araw ng Lunes, December 16, 2025.


Nasa kustodiya na ng Tagum City Police Office ang naarestong suspek at ang mga nakumpiskang ebidensiya para sa tamang disposisyon.


Patuloy ang Davao del Norte Police Provincial Office sa pagpapalakas ng kampanya kontra ilegal na droga at nananawagan sa publiko na maging mapagmatyag at suportahan ang mga hakbang ng mga awtoridad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page