Mahigit 200 benepisyaryo ng Layag Badjao Program sa Sulu, tumanggap ng rice subsidy
- Feb 9
- 1 min read
iMINDSPH

255 Badjao beneficiaries mula sa tatlong bayan sa lalawigan ng Sulu ang tumanggap ng rice subsidy mula sa MSSD sa ilalim ng Layag Badjao Program noong Pebrero 3 4, 2026.
Noong Pebrero 3, may 50 benepisyaryo sa bayan ng Kalingalan Caluang ang tumanggap ng kanilang rice subsidy, kasama ang starter kit na bahagi ng Basic Business Management Training ng programa. Samantala, noong Pebrero 4, 90 benepisyaryo naman sa bayan ng Patikul ang tumanggap ng tig-anim na sako ng bigas bilang bahagi ng naturang tulong.
Bukod dito, 115 Badjao beneficiaries pa mula sa bayan ng Talipao ang tumanggap ng rice subsidy sa loob ng dalawang araw na payout.
Sa ilalim ng programa, bawat benepisyaryo ay tumatanggap ng PHP 1,200 buwanang rice subsidy, na layong palakasin ang food security at maibsan ang gastusin sa pagkain ng mga pamilyang kabilang sa mga mahihirap at bulnerableng sektor.
Ang Layag Badjao Program ng MSSD ay nakatuon sa pagpapabuti ng kabuhayan at pangkalahatang kapakanan ng mga Badjao sa pamamagitan ng iba t ibang serbisyong panlipunan, kabilang ang seed capital, skills training, buwanang rice subsidy, at medical assistance.



Comments