Mahigit 200 residente ng Barangay Tamontaka II, Cotabato City, benepisyaryo sa libreng gamot hatid ng Project TABANG-Health Ancillary Services
- Diane Hora
- Oct 24
- 1 min read
iMINDSPH

Bumisita ang Project Tulong Alay sa Bangsamorong Nangangailangan o TABANG–Health Ancillary Services sa Barangay Tamontaka II, Cotabato City kung saan namahagi ng libreng gamot sa mga residente noong Miyerkules, a bente-tres ng Oktubre, 2025.
May kabuuang 210 na mga residente ang nakabenepisyo sa programa.
Ang aktibidad ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng Project TABANG upang maihatid ang mga serbisyong pangkalusugan direkta sa mga komunidad, lalo na sa mga mamamayang may limitadong access sa mga pasilidad medikal.
Ang Project TABANG ay isa sa flagship programs ng Office of the Chief Minister.



Comments