top of page

Mahigit 200 Returning Filipinos mula Sabah, ligtas na nakauwi sa Tawi-Tawi; Profiling at dokumentasyon, agad isinagawa ng MSSD

  • Diane Hora
  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH



Ligtas na nakauwi sa probinsya ng Tawi-Tawi ang kabuuang 208 Returning Filipinos mula Sabah, Malaysia, sakay ng barkong MV Kristel Joy noong Enero 25, 2026.


Sa pagdating ng mga ReFS sa Bongao Seaport, agad silang sinalubong ng mga kawani ng MSSD at binigyan ng pagkain at inuming tubig upang matugunan ang kanilang pangunahing pangangailangan, matiyak ang kaayusan, at maibigay ang iba pang kinakailangang interbensyon.


Agad nagsagawa ng masusing profiling at dokumentasyon ang MSSD Bongao Unit Office upang matukoy ang pagkakakilanlan, kasalukuyang kalagayan, at ang mga pamilya o bayan ng pinagmulan ng mga ReFS.


Batay sa isinagawang profiling, 111 sa mga ReFS ay mula sa bayan ng Bongao; isa (1) mula sa bayan ng Languyan; 13 mula sa bayan ng Panglima Sugala; 18 mula sa bayan ng Sapa-Sapa; apat (4) mula sa bayan ng Sibutu; 12 mula sa bayan ng Simunul; 26 mula sa bayan ng Sitangkai; lima (5) mula sa bayan ng South Ubian; at 18 naman mula sa bayan ng Tandubas.


Bukod dito, sumailalim sa counseling services ang mga ReFS upang matulungan silang ma-proseso ang mga hamon, trauma, at hirap na kanilang naranasan habang nasa ibang bansa.

Matapos makatanggap ng kinakailangang tulong at serbisyo, agad silang nakauwi sa kani-kanilang mga bayan matapos sunduin ng kanilang mga pamilya.


Ang interbensyong ito ay sa ilalim ng Humanitarian Assistance and Transfer for Individuals in Distress (HATID) Program ng MSSD, isang mahalagang inisyatiba na naglalayong magbigay ng agarang tulong at proteksyon sa mga Locally Stranded Individuals (LSIs), Returning Filipinos, biktima ng karahasan, at iba pang mga bulnerableng sektor. (𝗛𝗠𝗔/𝗜𝗖𝗗)

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page