MAHIGIT ₱204K SHABU AT BARIL, NASAMSAM sa operasyon ng pulisya sa Davao del Norte; Suspek na Top priority drug personality, timbog
- Apr 17
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Davao del Norte —
Arestado ang isang High-Value Individual at Top Priority Illegal Drug Personality habang nasamsam ang mahigit ₱200,000 halaga ng hinihinalang shabu at isang baril sa isinagawang operasyon ng pulisya. Arestado ang suspek na kinilalang si alyas “Mike”.
Isinagawang ang joint anti-illegal drug operation, April 13, 2026 bandang 11:58 ng gabi.
Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 30 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang standard drug price na ₱204,000.
Narekober din ang isang buy-bust sachet at karagdagang mga sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang caliber .9mm M1911 A1-FS pistol na may magazine at mga bala, isang itim na sling bag, isang cellphone, at isang motorsiklo.
Isinagawa ang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 11 katuwang ang Tagum City Police Station, Provincial Intelligence Team, Drug Enforcement Unit, Provincial Intelligence Unit, SOU 11, Provincial Mobile Force Company, at RMFB 11, sa koordinasyon ng PDEA.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Tagum City Police Station ang suspek at ang mga nakumpiskang ebidensya.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms laban sa suspek.



Comments