Mahigit ₱255K halaga ng smuggled cigarettes, nakumpiska sa checkpoint operation; 2 suspek, arestado
- Teddy Borja
- Jan 28
- 1 min read
iMINDSPH

Dalawang magsasaka ang inaresto ng pulisya matapos makumpiska ng awtoridad ng hinihinalang smuggled cigarettes na nagkakahalaga ng mahigit ₱255K sa kanilang sasakyan sa isang checkpoint operation.
Habang nagsasagawa ng routine checkpoint sa Barangay Payong-Payong, pinara ng mga pulis ang isang APV na minamaneho ni alias “Ebra”, 25 taong gulang, magsasaka at residente ng Barangay Fort Pikit, Pikit, Cotabato, kasama ang pasaherong si alyas “Nor”, 29 taong gulang, magsasaka at residente ng Barangay Bulod, Pikit, Cotabato.
Sa isinagawang inspection, nadiskubre ng mga awtoridad ang ilang kahon ng iba’t ibang uri ng sigarilyo sa loob ng sasakyan. Nabigo ang driver at pasahero na magpakita ng anumang legal dokumento, dahilan para sila ay arestuhin.
Nakumpiska sa operasyon ang 129 reams ng Fort cigarettes, 124 reams ng Modern cigarettes, 44 reams ng Berlin cigarettes, at dalawang reams ng Far cigarettes na may kabuuang tinatayang halaga na ₱255,848.32.
Ang mga naarestong suspek, kasama ang mga nakumpiskang sigarilyo at ang sasakyang lulan ng mga iligal na produkto, ay isusuko sa Bureau of Customs para sa wastong dokumentasyon, imbestigasyon, at disposisyon.



Comments