Mahigit ₱286K halaga ng puslit na sigarilyo, narekober sa Bongao Wharf, Tawi-Tawi
- Jan 20
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit ₱286,000 halaga ng pinaniniwalaang puslit na sigarilyo sa isang mobile patrol operation sa pantalan ng bayan.
Nagsasagawa ng mobile patrol operation ang mga tauhan ng Tawi-Tawi Maritime Police Station (MARPSTA) bilang lead unit, katuwang ang Bureau of Customs Sub-Port Bongao at ang Tawi-Tawi Police Provincial Office, nang madiskubre ang limang (5) master cases o tinatayang 250 reams ng Astro Red cigarettes na iniwan malapit sa docking area ng pantalan.
Ayon sa pulisya, walang sinumang umako ng pagmamay-ari ng mga nasabing kontrabando sa kabila ng isinagawang beripikasyon sa lugar. Batay sa pagtataya ng Bureau of Customs, ang mga nasamsam na sigarilyo ay may halagang humigit-kumulang ₱286,500.00.
Dinala ang mga kontrabando sa Tawi-Tawi MARPSTA para sa wastong dokumentasyon saka itinurn-over sa Bureau of Customs Sub-Port Bongao para sa inventory at kaukulang disposisyon kaugnay ng paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.



Comments