MAHIGIT ₱292K SHABU, NASAMSAM sa isinagawang operasyon ng awtoridad sa Davao del Sur; Top priority drug personality, arestado
- Apr 17
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Davao del Sur —
Arestado ang isang top priority illegal drug personality habang nasamsam ang mahigit ₱290,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang operasyon ng pulisya. Arestado ang suspek na kinilalang si alyas “Yobz”, isang Top Priority Illegal Drug Personality, sa isinagawang joint operation bandang 9:50 ng gabi.
Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 43.02 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang standard drug price na ₱292,536.
Kabilang sa mga nakuhang ebidensya ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na ginamit sa buy-bust at limang karagdagang sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Narekober din ang buy-bust money na isang tunay na ₱1,000 bill, isang smartphone, isang ignition key, at isang motorcycle.
Isinagawa ang operasyon ng Regional Police Drug Enforcement Unit 11, katuwang ang Hagonoy Municipal Police Station at iba pang supporting units sa koordinasyon ng PDEA.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon kaugnay ng insidente habang isinusulong ang kampanya laban sa iligal na droga sa Davao Region.



Comments