top of page

Mahigit ₱3.5 milyong halaga ng puslit na sigarilyo, narekober sa checkpoint sa Parang; Mga sakay ng truck, arestado

  • Jan 22
  • 1 min read

iMINDSPH



Nasabat ng awtoridad ang isang truck na kargado ng Php 3,596,870.00 ng pinaniniwalaang puslit na sigarilyo sa isang anti-criminality checkpoint operation.


Sa isinagawang inspeksyon sa isang puting Isuzu wing van truck, nadiskubre ng awtoridad ang libu-libong reams ng pinaniniwalaang puslit na sigarilyo na nakatago sa loob ng dingding at sahig ng sasakyan, araw ng Martes, January 20.


Nabigo ang driver at mga sakay ng truck na magpakita ng kaukulang dokumento na magpapatunay sa legalidad ng kargamento, dahilan upang sila ay agad na arestuhin.


Nasa kustodiya ng Parang Municipal Police Station ang mga naarestong indibidwal, mga nakumpiskang sigarilyo, at ang ginamit na sasakyan, habang inihahanda ang turnover sa Bureau of Customs at ang pagsasampa ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page