top of page

Mahigit 300 million pesos na halaga ng agricultural machinery at post-harvest facilities, itinurn over ng PHilMech sa BARMM sa ilalim ng RCEF Mechanization Program

  • Diane Hora
  • Oct 24
  • 2 min read

iMINDSPH


Tatlumpu’t siyam na four-wheel tracktor, tatlong precision seeder, apatnaput’ tatlong rice combine harvester, sampung drying system, at dalawampu’t walong village type rice mill.


Kabilang ito sa 123 units ng agricultural machinery at postharvest facilities na nagkakahalaga ng ₱314,277,597.00 na itinurn over sa BARMM, araw ng Huwebes, October 23.


Ang mga kagamitan ay tinanggap ng mga farmers’ cooperatives, associations at local government units sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.


Mula ito sa ng Philippine Center for Postharvest Development and Mechanization o PHilMech sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF Mechanization Program.


Ayon sa Implementing Rules and Regulations o IRR ng Republic Act No. 11203 o mas kilala bilang Rice Tariffication Law, 50% ng Rice Fund o katumbas ng ₱5 bilyon kada taon sa loob ng anim na taon mula 2019–2024 ay inilaan sa PHilMech para ipamahagi bilang grant-in-kind sa mga farmers’ cooperatives and associations (FCAs) at local government units (LGUs).


Kasama sa mga ipinamimigay na makina ang tillers, tractors, seeders, rice planters, harvesters, threshers, irrigation pumps, mechanical dryers, at rice mills.


Sa pagpasa ng RA 12078 noong 2024, na-extend ang RCEF hanggang 2031, at tinaasan ang annual budget, kung saan ₱9 bilyon ay nakalaan para sa mechanization program na ipapatupad ng PHilMech.


Ang mas pinalakas na mandato na ito ay tinitiyak ang tuloy-tuloy na pagbibigay ng modernong makinarya at postharvest facilities upang mapababa ang production cost, mabawasan ang postharvest losses, mapataas ang labor efficiency, at mapalawak ang mechanization level sa buong bansa — lahat ay naglalayong palakasin ang produktibidad at competitiveness ng mga Pilipinong rice farmers.


Layunin ng Rice Mechanization Component na palakasin ang productivity, profitability, at global competitiveness ng mga rice farmers sa pamamagitan ng mas maayos na access at paggamit ng tamang mechanization technologies para sa production at postproduction stages.


Inaasahang benepisyo ng programa ang pagbaba ng production cost ng mga farmer-users ng ₱2–₱3 kada kilo gamit ang efficient mechanized production system at pagbawas ng postproduction losses ng 3–5% sa pamamagitan ng paggamit ng modern at efficient postharvest technologies.


Bukod dito, makikinabang din ang mga sektor sa pagpapasigla ng local agricultural machinery manufacturing industry at paglikha ng trabaho, paglaganap ng mechanization technologies, paggamit ng locally fabricated machines, pagtaas ng ani at cropping intensity, mas maagang farm operations, pagbawas sa manual labor, at dagdag na kita mula sa paggamit ng makinarya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page