MAHIGIT ₱330K SHABU, NASABAT sa anti-illegal drug operation sa Datu Unsay, Maguindanao del Sur; Courier, timbog sa checkpoint
- Apr 13
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Maguindanao del Sur—
Naharang ng pulisya ang isang umano'y drug courier, at nasamsam ang suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit ₱330,000 sa isinagawang anti-illegal drug operation sa Datu Unsay. Naharang ang isang hinihinalang drug courier na kinilalang si alyas “Arturo”, na sakay ng motosiklo, bandang alas-10 ng gabi, April 11, 2026 ng pinagsanib na pwersa ng Datu Unsay MPS, kasama ang Provincial Intelligence Unit at 1st Maneuver Platoon ng 2nd PMFC.
Nakumpiska mula sa kanya ang isang jumbo plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 48.6 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na ₱330,480.
Agad na dinala sa kustodiya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.



Comments