Mahigit ₱388K halaga ng puslit na sigarilyo, narekober sa Maluso, Basilan
- Jan 20
- 1 min read
iMINDSPH

Nasamsam ng mga PRO BAR ang mahigit ₱388,000 halaga ng pinaniniwalaang puslit na sigarilyo sa isang joint law enforcement operation.
Nagsagawa ng operasyon ang Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region katuwang ang Basilan Maritime Police Station, January 17, 2025, kung saan nasabat at narekober ang isang motor pump boat na kargado ng iba’t ibang uri ng smuggled cigarettes sa Barangay Shipyard Tabuk, Maluso.
Ayon sa pulisya, ang bangka at mga kontrabando ay iniwan ng isang hindi pa nakikilalang indibidwal, at walang naaresto sa nasabing operasyon. Batay sa pagtataya ng mga awtoridad, ang mga nasamsam na sigarilyo ay may tinatayang halaga na ₱388,575.00.
Ang mga nakumpiskang kontrabando at ang motor pump boat ay kasalukuyang nasa custody ng Basilan MARPSA para sa wastong dokumentasyon at turnover sa Bureau of Customs para sa kaukulang disposisyon alinsunod sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.



Comments