Mahigit 4,000 nakatanda sa Maguindanao del Sur, benepisyaryo ng social pension payout.
- Feb 5
- 1 min read
iMINDSPH

4,860 indigent senior citizens mula sa apat na bayan ng lalawigan ang tumanggap ng tulong pinansyal sa isinagawang payout ng Social Pension for Indigent Senior Citizen Program mula Enero 28 hanggang 30, 2026.
Ang mga benepisyaryo ay mula sa mga bayan ng Guindulungan, Pandag, Pagalungan, at Datu Piang. Sa ilalim ng naturang programa, may nakalaang PHP 1,000 bawat benepisyaryo kada buwan bilang suporta sa pang-araw-araw na gastusin gaya ng pagkain at gamot.
Tinitiyak ng MSSD ang tuloy-tuloy na pagpapatupad ng programa bilang bahagi ng mas malawak na adhikain nitong mapalakas ang serbisyong panlipunan para sa mga nakatatanda sa buong rehiyon ng Bangsamoro.



Comments