top of page

Mahigit 400K halaga ng mga puslit na sigarilyo, nasabat ng awtoridad sa Border Control Point sa Barangay San Pedro, Tungawan, Zamboanga Sibugay

  • Teddy Borja
  • Oct 17
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mahigit apat na raang libong piso na halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasabat ng awtoridad.


Nasabat ang mga kontrabando alas 4:45 ng hapon, noong October 7 sa Border Control Point sa Barangay San Pedro, Tungawan, Zamboanga Sibugay.


Kinilala ang mga suspek bilang isang 29-anyos na lalaki na residente ng Arena Blanco, Zamboanga City, at isang 43-anyos na lalaki na residente ng Barangay Zone IV, Zamboanga City.


Nasamsam mula sa mga suspek ang 350 reams ng smuggled cigarettes na may tinatayang halagang ₱400,771.00 sa pamilihan.


Ang dalawang naarestong indibidwal at ang nakumpiskang kontrabando ay dinala sa Tungawan MPS para sa wastong disposisyon at pagsasampa ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page