top of page

Mahigit ₱58K halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa Kidapawan City; Drug suspect, arestado

  • Teddy Borja
  • Jan 28
  • 1 min read

iMINDSPH


Isang drug suspect ang naaresto ng pulisya matapos makumpiska ng awtoridad ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng mahigit limampu’t walong libong piso sa search warrant operation.


Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas “Kad”, 33 taong gulang, may asawa, walang trabaho, at residente ng Barangay Ilomavis, Kidapawan City, kaugnay sa paglabag sa Section 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


Nakumpiska mula sa loob ng bahay ng suspek ang anim na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng humigit-kumulang 8.63 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na ₱58,684.00.


Ang mga nakumpiskang ebidensya ay isusumite sa North Cotabato Provincial Forensic Unit para sa pagsusuri, habang ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Kidapawan City Police Station para sa wastong dokumentasyon at paghahain ng kaukulang kaso.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page