top of page

Mahigit 600 senior citizens ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte, tinanggap ang kanilang social pension mula sa MSSD na nagkakahalaga bawat isa ng P6,000.00

  • Diane Hora
  • Feb 4
  • 1 min read

iMINDSPH



Anim na libong piso ang tinanggap ng kada senior citizen sa isinagawang social pension payout ng MSSD ngayong araw sa bayan ng Sultan Mastura, Maguindanao del Norte.


Sa distribution mahigit animnaraang senior citizens ang benepisyaryo para sa unang batch ng payout.


Isinagawa ito sa municipal gymnasium. Katuwang ng mga kawani ng MSSD sa pamamahagi si Mayor Datu Armando Mastura Sr.


MAYOR DATU ARMANDO MASTURA

Sultan Mastura, Maguindanao del Norte


Ang Social Pension Program ay isang pambansang programa na ipinapapatupad ng MSSD.


BENEFICIARY

Sa pamamagitan ng payout na ito, muling tiniyak ng lokal na pamahalaan at ng MSSD ang patuloy na suporta sa sektor ng mga senior citizen upang maibsan ang kanilang mga gastusin sa buhay.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page