iMINDSPH
Mahigit pitong daang mga residente ng Kapalawan, SGA ang nakabenepisyo sa handog na Medical Mission ng Project TABANG sa lugar.
Ang mga residente ay mula sa iba’t ibang barangay sa bayan. Ang aktibidad ay isinagawa araw ng Huwebes, October 3 na pinangunahan ng Health Ancillary Services na pinamunuan ni Sittie Majadiyah Omar.
Handog ng programa ang libreng consultations, examinations, laboratory testing services, at iba pang health-related services, sa pakikipagtulungan ng Ministry of Social Services and Development.
Kommentarer