Mahigit ₱7M halaga ng suspected shabu, nasamsam sa buy-bust operation sa Cebu City; Druglord, arestado
- Jan 5
- 1 min read
iMINDSPH

Pitong milyong piso na halaga ng suspected shabu ang nasamsam ng awtoridad sa buy-bust operation kung saan arestado ang isa umanong drug lord.
Isinagawa ang buy-bust operation ng mga operatiba ng Police Station 11 ng Cebu City Police Office, araw ng Biyernes, Enero a-dos, 2026 sa Sitio San Juan, Barangay Mambaling, Cebu City.
Bukod sa pagkaka aresto sa isang druglord, nakumpiska rin ng awtoridad ang ilang heat-sealed at knot-tied transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substances o hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 1,030 gramo.
Ang mga nakumpiskang ilegal na droga ay isinailalim sa wastong inventory at sinumite sa PDEA Regional Office 7 para sa laboratory examination.
Samantala, ang suspek ay kasalukuyang nakapiit sa custodial facility ng Police Station 11, CCPO at haharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ayon kay PRO 7 Regional Director PBGen Redrico Maranan, patunay umano ang operasyong ito ng seryosong kampanya ng pulisya laban sa ilegal na droga sa Central Visayas.
Dagdag pa niya, magpapatuloy ang PRO 7 sa pakikipag-ugnayan sa mga katuwang na ahensya upang tuluyang buwagin ang mga sindikato ng ilegal na droga at mapanatili ang kaligtasan ng mga komunidad sa rehiyon.



Comments