top of page

MAHIGIT 8,000 GATASIpinamahagi ng MSSD sa mga Child Development Centers at Supervised Neighborhood Plays sa iba’t ibang bayan sa Lanao del Sur

  • 6 days ago
  • 1 min read

iMINDSPH


Ipinamahagi ng MSSD ang 8,720 kahon ng gatas sa mga Child Development Centers (CDCs) at Supervised Neighborhood Plays (SNPs) sa Lanao del Sur, araw ng Lunes, Marso a 23.


Tinatayang 1,800 batang mag-aaral na naka-enroll sa mga CDCs at SNPs ang makikinabang sa programa mula sa mga bayan ng Pualas, Marogong, Madalum, Ganassi, Calanogas, at Madamba, na may tig-257 benepisyaryo, habang 258 naman ang mula sa Bacolod-Kalawi.


Bawat bayan ay nakatanggap ng tig-1,245 kahon ng gatas, maliban sa Bacolod-Kalawi na nakatanggap ng 1,250 kahon.


Ang mga gatas ay nakatakdang i-consume sa loob ng 120 araw bilang bahagi ng feeding program na naglalayong mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mga bata, gayundin ang pagsuporta sa kanilang malusog na paglaki at maagang paghubog ng wastong gawi sa kalusugan.


Bahagi ang aktibidad na ito ng patuloy na pagpapatupad ng nationally-funded Supplementary Feeding Program ng MSSD sa mga komunidad ng Bangsamoro, na naglalayong mapababa ang kaso ng malnutrisyon at maisulong ang mas maayos na kalusugan ng mga batang Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page