MAHIGIT ₱800K SUSPECTED SHABU Nasamsam ng awtoridad; Dalawang suspek, timbog
- 2 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Cagayan de Oro City —
Timbog ang isang magsasaka at online seller at nasamsam ang mahigit ₱800,000 halaga ng hinihinalang shabu buy-bust operation ng awtoridad. Kinilala ang mga naarestong suspek sa alyas na “Khalid,” 53 anyos na magsasaka mula Tagoloan, Misamis Oriental, at “Risha,” 24 anyos na online seller at residente ng Cagayan de Oro City.
Isinagawa ang joint buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit 10 katuwang ang iba pang police units, na nagresulta sa pagkakaaresto ng dalawa.
Nasamsam ng awtoridad ang humigit-kumulang 120 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang street value na ₱816,000, kasama ang iba pang drug sachets, isang sling bag na ginamit na lalagyan, at ang buy-bust money na ₱1,000.
Napag-alaman din na ang isa sa mga suspek ay dati nang naaresto sa kaparehong kaso at nakapagsilbi na ng sentensya.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa detention facility habang inihahanda ang kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa kanila.
Samantala, dinala na sa forensic unit ang mga nakumpiskang ebidensya para sa masusing pagsusuri.



Comments