top of page

Mahigit P1M halaga ng suspected shabu, nasamsam ng awtoridad sa buy-bust operation sa General Santos City; 2 high-value inviduals, arestado

  • Teddy Borja
  • Oct 2
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mahigit isang milyong piso na halaga ng suspected shabu ang nasamsam ng awtoridad sa buy-bust operation kung saan arestado ang dalawang high-value individuals.


Kinilala ang mga naaresto sa alyas na “Martin”, 37 anyos, residente ng Talitay, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte at alyas “Ronnie”, 43 anyos, residente ng Barangay Calumpang, General Santos City.


Inaresto ang mga ito, araw ng Miyerkules, October 1 sa Barangay Bula ng syudad.


Nakuha mula sa mga suspek ang 11 sachets ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 165 gramo at may halagang ₱1,122,000.00 batay sa National Standard Drug Price.


Nakumpiska rin ang isang motorsiklo.


Ang mga nakumpiskang ebidensya at naarestong indibidwal ay hawak na ng awtoridad para sa wastong dokumentasyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page