top of page

MAKESHIFT CLASSROOM PROJECT Sinimulan nang ipatupad ng Maguindanao del Sur Provincial Government sa ilang bayan sa lalawigan

  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH

Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Maguindanao del Sur ng Makeshift Classroom Project para sa mga mag-aaral ng Datu Langalen Matagmama Elementary School sa Barangay Lumabao, General Salipada K. Pendatun.


Ayon sa pamahalaan, layunin ng proyekto na matiyak na may ligtas, maayos, at angkop na lugar ang mga mag-aaral para sa pagkatuto, lalo na sa mga komunidad na may kakulangan sa pasilidad.


Sa ilalim ng proyekto, nagtayo ng mga bagong makeshift classroom upang mabawasan ang siksikan sa mga silid-aralan. Nagkaloob din ng mga upuan para matiyak na may maayos na mauupuan ang bawat mag-aaral.


Itinayo rin ang isang bagong comfort room at isinagawa ang pagpapabuti sa bentilasyon at kisame ng mga silid-aralan upang maging mas ligtas at komportable ang kapaligiran.


Pinangunahan ang inisyatiba sa ilalim ng tanggapan ni Governor Datu Ali Midtimbang bilang bahagi ng adbokasiya ng lalawigan na “Serbisyong may Puso.”


Ayon sa pamahalaan, patuloy itong magpapatupad ng mga programang magpapabuti sa kalidad ng edukasyon at magbibigay ng mas maayos na kinabukasan para sa mga batang Maguindanaon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page