top of page

Makulay at maliwanag na Light Parade, at fireworks display, pambungad ng Kudaraten Festival 2026

  • Diane Hora
  • Jan 27
  • 1 min read

iMINDSPH



Iba’t ibang float na binalot ng palamuti at ilaw…


Bumida sa national highway ng Salimbao patungo sa sentro ng bayan ng Sultan Kudarat, kagabi.


Ito ang light parade na inorganisa ng lokal na pamahalaan sa pagbubukas ng selebrasyon ng 9th Kudaraten Festival ngayong taon.


Bukod sa pagsusulong at patuloy na pagtataguyod ng kultura at mga produkto sa bayan, inilatag rin ni Mayor Datu Shameem Biruar Mastura ang mga programa nito para sa mamamayan ng Sultan Kudarat.


Ang salitang “Kudaraten" ay isang Maguindanaon term na iniuugnay sa legasiya ng Sultan Muhammad Dipatuan Kudarat na ang ibig sabihin ay pinagpala o nirerepresenta ang Kapangyarihan, Lakas, at Tagumpay ng matapang na pamumuo ng 17th-century Sultan ng Mindanao


Bukod sa Light Parade, pinasaya rin ng husto ang mga bisita, residente at mga opisyal sa sampung minuto na fireworks display.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page