top of page

Malaking budget allocation sa DepEd, iginiit ni Pangulong Ferdinald Marcos Jr sa gitna ng nangyaring pagtapyas sa pondo nito para ngayong 2025

  • Diane Hora
  • Jan 17
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa gitna ng pagtapyas sa pondo ng kagawaran mula sa P748 billion proposed budget ngayong taon kung saan P737 billion lang ang inaprubahan ng kongreso ayon pa sa report ng Radyo Pilipinas-


Iginiit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang malaking budget allocation sa Department of Education.


Binigyang diin ng Pangulo, na kailangang makitang prayoridad ng gobyerno ang edukasyon at gagawan ng paraan ang kakulangan sa budget ng kagawaran, dagdag pa sa report.


Ilan sa mga alokasyong tinapyasan ng Kongreso ay pondo sana para sa paglikha ng bagong school personnel positions, Basic Education Facilities Fund, at ang implementasyon ng DepEd Computerization Program ayon sa ibinahaging impormasyon ng Radyo Pilipinas.


Dagdag pa sa report na ang proposed budget ng DepEd na P12.379 bilyon na para sa kanilang Computerization Program, ay napag-alamang P2.43 bilyon lamang ang naaprubahan.


Ayon sa ahensya, maaapektuhan ng bawas na ito ang pagbibigay ng mahahalagang kagamitan para sa mga mag-aaral at guro tulad ng mga laptop, smart TV, at satellite-based internet.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page