Malawakang pagbabakuna kontra Tigdas at Rubella, isasagawa sa BARMM simula Enero 19
- Diane Hora
- Jan 15
- 1 min read
iMINDSPH

Hinikayat ng Ministry of Health BARMM ang lahat ng Bangsamoro mommies at daddies na pabakunahan ang kanilang mga anak mula Enero 19 hanggang Pebrero 13, 2026. Layunin ng kampanya na tuluyang mapuksa ang tigdas at rubella—mga sakit na maaaring magdulot ng malubhang komplikasyon, lalo na sa mga bata.
Ayon sa MOH-BARMM, ang bakunang gagamitin ay ligtas at epektibo, at dumaan sa mahigpit na pagsusuri upang masiguro ang kaligtasan ng bawat batang babakunahan. Pinayuhan ang mga magulang na makipag-ugnayan sa pinakamalapit na health center sa kanilang lugar upang malaman ang iskedyul ng pagbabakuna.
Binigyang-diin ng mga health official na ang pagbabakuna ay hindi lamang proteksyon para sa isang bata, kundi para sa buong komunidad. Sa pamamagitan ng mataas na vaccination coverage, mas napipigilan ang pagkalat ng sakit at mas napapalakas ang kaligtasan ng lahat.



Comments