MALAYSIAN NATIONAL, ARESTADO ₱3.4 million halaga ng hinihinalang shabu, nasamsam sa anti-illegal drug operation sa Tawi-Tawi
- Apr 10
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Tawi-Tawi—
Arestado ang isang dayuhan na high-value individual at nasamsam ang
₱3.4 million halaga ng hinihinalang shabu sa anti-illegal drug operation sa bayan ng Sitangkai. Kinilala ang naarestong Malaysian national sa alyas na “Utto”, 45 anyos, at ang kasabwat nito na si alyas “Nil” o “Kakah”, 45 anyos.
Isinagawa ang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency BARMM katuwang ang Philippine National Police, kasama ang iba pang pwersa ng gobyerno.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang isang plastic bag na naglalaman ng humigit-kumulang 500 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng ₱3,400,000.
Agad na inaresto ang mga suspek matapos ang transaksyon, sa isinagawang search, narekober din ang isang pistola, isang rifle na may mga bala, dalawang mobile phones, buy-bust money, at isang identification card.
Ipinaalam sa mga suspek ang kanilang mga karapatan at sasailalim sa medical at drug test habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 at Republic Act 10591 laban sa kanila.



Comments