Malaysian national, arestado matapos ang entrapment operation dahil sa umano’y robbery-extortion sa isang Chinese national
- Jan 19
- 1 min read
iMINDSPH

Natigil ang umano’y robbery-extortion plot matapos arestuhin ng pulisya ang suspek na isang Malaysian national sa isinagawang entrapment operation.
Isang Chinese national ang nag-report na siya ay pinilit at ninakawan umano ng suspek na kinilalang si alyas “Bai Cai”. Agad na rumesponde ang mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Southern Police District, katuwang ang District Intelligence Division, Intelligence Section ng District Mobile Force Battalion, at ang Parañaque City Police Station.
Sa isinagawang entrapment operation, naaresto ang isang Malaysian national na pinaghihinalaang sangkot sa robbery-extortion.
Nakumpiska mula sa suspek ang-
Dalawang mobile phones; Isang ₱1,000 bill na ginamit bilang marked money; Isang white Toyota Hi-Ace Super Grandia na pinaniniwalaang ginamit sa krimen.
Dinala ang suspek sa DSOU-SPD office para sa dokumentasyon at tamang disposisyon, habang inihahanda na ang kaukulang criminal charges.



Comments