MANDATORY CONTRIBUTION SA GSIS, PHILHEALTH AT Pag-IBIG Susuriin ng Blue Ribbon Committee ng BTA Parliament; initial report, isusumite rin ng komite sa plenary
- Feb 27
- 1 min read
iMINDSPH

Magsusumite ang Committee on Good Government, Accountability of Public Officers and Investigation o Blue Ribbon Committee ng BTA Parliament ng initial report sa plenary upang palakasin pangangasiwa at tiyakin ang “timely payments” sa mga supplier na nakikipag transaksyon sa regional government.
Ang hakbang ayon kay Blue Ribbon Committee Chair, BTA Deputy Floor Leader Rasol Mitmug Jr ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap ng gobyerno na mapanatili ang transparency, accountability, at maayos na operasyon sa lahat ng ministries at agencies.
Magsasagawa rin ng follow-up meeting ang komite sa pagitan ng mga contractor at supplier matapos makalikom ng impomrasyon mula sa mga concerned agencies.
Bumubuo na ng grupo ang mga mambabatas para imonitor ang mga ahensiya, masubaybayan ang obligasyon at maiwasan ang pagka-antala sa pagbabayan sa hinaharap.
Susuriin din ng komite ang pagsunod sa mandatory contributions ng mga ministry at iba pang tanggapan sa BARMM sa Government Service Insurance System o GSIS, PhilHealth, at Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG.
Bumuo na ng technical working ang komite para suportahan ang imbestigasyon.
Ito ay pamumunuan ni BTA Deputy Speaker Jose Lorena kasama si Deputy Speakers Baintan Ampatuan at Omar Yasser Sema, gayundin sina Members of Parliament Rasul Ismael at Sittie Fahanie Uy-Oyod.



Comments