MANGINGISDA, ARESTADO; ₱1.4 MILLION SMUGGLED CIGARETTES, NASAMSAM sa anti-smuggling operation sa Lebak, Sultan Kudarat
- Apr 20
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Lebak, Sultan Kudarat pa rin-
Arestado ang isang mangingisda at nasamsam ang mahigit ₱1.4 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa isinagawang joint mobile patrol operation ng pulisya Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Moy-moy”, 34 anyos, at residente ng nasabing lugar.
Sa operasyon, napansin ng mga operatiba ang suspek na naglalakad sa kalsada na may dalang kahon. Sa isinagawang beripikasyon, nadiskubre ang mga kahon na naglalaman ng hinihinalang smuggled cigarettes.
Nakuha rin ang karagdagang kahon ng kaparehong produkto sa loob at labas ng bahay ng suspek.
Sa koordinasyon sa Bureau of Customs, isinagawa ang inventory at nakumpiska ang 33 boxes ng smuggled cigarettes na may kabuuang halagang ₱1,411,872.00.
Nabigo ang suspek na makapagpakita ng kaukulang dokumento para sa mga produkto kaya’t agad siyang inaresto.
Isinagawa ang operasyon ng Lebak Municipal Police Station, araw ng Biyernes, April 17, katuwang ang 2nd Sultan Kudarat Provincial Mobile Force Company sa ilalim ng SILG Safer City Project.
Dinala ang suspek at mga nakumpiskang ebidensya sa Lebak Municipal Police Station para sa dokumentasyon at disposisyon habang patuloy ang koordinasyon sa Bureau of Customs.
Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act at Republic Act 10643 o Graphic Health Warnings Law.



Comments