top of page

MANGINGISDA, ARESTADO Matapos ang pagsisilbi ng warrant of arrest dahil sa kasong murder sa General Santos City

  • Apr 15
  • 1 min read

iMINDSPH


Sa General Santos City —

Arestado ang isang mangingisda na Top 10 Regional Most Wanted Person sa pagsisilbi ng warrant of arrest dahil sa kasong murder. Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Luigi”, 45 taong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Labangal, General Santos City.


Isinagawa ng mga tauhan ng Police Station 5 ang operasyon bandang alas-9:37 ng umaga, araw ng Linggo, kung saan inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong murder na inilabas noong December 10, 2025 ng Regional Trial Court sa General Santos City, na walang inirekomendang piyansa.


Ang matagumpay na operasyon ay bahagi ng pinaigting na kampanya ng Police Regional Office 12 laban sa mga wanted person, lalo na ang mga kabilang sa most wanted list sa regional level.


Matapos ang operasyon, agad na dinala ang suspek sa himpilan ng pulisya para sa kaukulang dokumentasyon.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng arresting unit ang suspek at nakatakdang i-turnover sa korte na naglabas ng warrant para sa kaukulang disposisyon.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page