Mangingisda sa Maasim, Sarangani Province, na nahaharap sa kasong rape, arestado
- Teddy Borja
- Oct 17
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang isang mangingisda na nahaharap sa kasong rape.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Cabang”, 51-anyos.
Inaresto ito sa Kamanga, Maasim, Sarangani, araw ng Miyerkules, October 15 sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 37, noong Agosto 15, 2025.
Walang inirerekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Kabilang din ang suspek sa listahan ng mga Regional Level Most Wanted Persons ng PNP PRO 12 na dinala sa Police Station 6, GSCPO para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.



Comments