top of page

Manifesto para sa NGCP, ERC at DOE inisyu ni Midsayap Mayor Rolly Sacdalan kung saan hiniling ng alkalde ang masusing imbestigasyon sa nangyaring 28 oras na brownout noong nakaraang linggo sa Maguinda

  • Feb 25
  • 1 min read

iMINDSPH



Naglabas ng tatlong magkakahiwalay na manifesto si Midsayap Mayor Rolly Sacdalan,

matapos ang mahigit 28 oras na malawakang power interruption na naka apekto sa First District ng Cotabato, SGA-BARMM areas, Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, at Cotabato City.


Sa kanyang manifesto para sa NGCP, nanawagan si Mayor Sacdalan ng mas mahigpit na preventive maintenance, regular at transparent inspections, mas mabilis na emergency response mechanisms, at agarang rehabilitasyon ng mga lumang pasilidad upang maiwasan na maulit muli ang kahalintulad na insidente.


Sa liham naman para sa Energy Regulatory Commission (ERC), hiniling ng alkalde ang masusing imbestigasyon sa insidente, pagsusuri sa maintenance practices ng NGCP, at pagpapatupad ng nararapat na corrective measures kung kinakailangan.


Samantala, sa manifesto na ipinadala sa Department of Energy (DOE), nanawagan si Sacdalan ng mas matibay na pambansang polisiya para sa transmission reliability, modernisasyon ng mga luma nang pasilidad, at mas pinaigting na oversight upang matiyak ang pangmatagalang energy security sa Mindanao.


Binigyang-diin ng alkalde na ang maaasahang suplay ng kuryente ay mahalaga sa economic stability, public safety, at kapakanan ng komunidad. Aniya, kinakailangan ang accountability, masusing pamamahala, at proactive governance sa energy sector upang maprotektahan ang mga konsyumer at lokal na ekonomiya laban sa malawakang abala.


Pinagtibay ng Pamahalaang Bayan ng Midsayap ang kanilang commitment na ipagpatuloy ang adbokasiya para sa isang stable, resilient, at accountable na power transmission system para sa kapakinabangan ng kanilang mga nasasakupan at karatig na komunidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page