Manual of Operations (MOP), opisyal na ipinakikilala ng Project TABANG na magbibigay gabay sa pagpapatupad ng mga programa sa Bangsamoro Communities
- Diane Hora
- Aug 4
- 1 min read
iMINSDPH

Mayroon ng Manual of Operations (MOP) ang Project TABANG na anila ay isang mahalagang dokumento na magbibigay ng gabay sa pagpapatupad ng mga programa para sa Bangsamoro communities.
Ang MOP ay nagsisilbing komprehensibong gabay para sa lahat ng yunit at personnel ng Project TABANG. Nakasaad dito ang standard na proseso, roles and responsibilities, coordination mechanisms, at performance standards na kailangang sundin upang maging efficient, consistent, at accountable ang pagbibigay ng serbisyo.
Sa kasalukuyan, dumaraan pa sa finalization stage ang MOP sa pamamagitan ng isang consultative at participatory approach. Kabilang sa mga aktibong kalahok sa drafting process ang Technical Working Group (TWG), Project Management Office (PMO), at iba’t ibang key components.
Bukas pa rin ang dokumento para sa mga rekomendasyon at inputs, lalo na mula sa Office of the Chief Minister, upang matiyak na naka-angkla ito sa prinsipyo ng moral governance at tumutugon sa mga aktwal na pangangailangan ng mga komunidad.
Kapag tuluyang naaprubahan, ang MOP ay inaasahang magiging standard reference tool para sa institutional continuity, mas maayos na coordination, at mas epektibong serbisyo sa mga mamamayan ng Bangsamoro.



Comments